Sunday, February 19, 2006

Gusto ko matulog pero di ko magawa, na sa Diyos ang awa na sa tao ang gawa...


... Yeah! Pero paano naman ako matutulog kung nagday-off ang kasambahay namin at ako ang proksi. Hay hindi ko nga alam kung bakit antok na antok naman ako buong araw, eh piyesta pa naman sa bayan namin, tapos ganito pa ang mood ko ang labo talaga. Pero ayos lang ang linggo ko na ito ay masaya. Noong araw ng mga puso nag-date kami ni Cj at ng aking H.S. friend na si Joma(Joma mabuhay ka!), kumain sa Sbarro at naghanap kami ng magagarang head phones. HAPPY!! Ang wirdo na masaya ng araw ng mga puso ko ngayong taon na ito. Tapos sa eskwela pag-umaga ay nagmamadali sa kadahilanang mahuhuli na ako sa aking klase, ngunit pagdating ko doon ay wala din pala. Hay buhay anak tawa na lamang ako.

May report pa ako para bukas at sinaglitan ko lamang ang aking blog upang ilagay ang aking naiisip at isa sungitan ko pa ng kaunti si cj, (cj sorry) hindi ko naman sinasadya dahil lang sa napakahirapo maghanap at ayusin ng report ko para bukas. Sana happy pa din ang susunod na linggo. Sa mga nagbabasa salamat sa kaunting oras na inyong ginugol sa pagbasa nito. MAbuhay ka!

Friday, February 10, 2006

Ninanais ko ngunit parang unti-unting lumalayo...



Ang pagsulat ng aking mga naiisip at mga obserbasyon ay isang kinahiligang bagay ko na. Pero ngayon, tila ba isa itong ice cream sa ilalim ng araw na natutunaw sa bawat sinag na tumatama dito. May mga panahon na gusto ko magsulat ngunit ayaw ako tulungan ng mga salita at kahit mga ideya.

Para kaming mga magkakaibigan na nagkagalit-galit, at pati ibang mga nilalang sa aming paligid ay nadadamay na. Isa doon ay ang oras. Mga "oras" na ginusto ko gumawa ng isang magandang obra, ngunit walang lumamalabas. Minsan naman ay darating ang mga ideya at salita pero wala ako sa tamang lugar upang isulat ang mga ito. Nakakalungkot dahil nasa isang panahon ako na pinaka ayaw ko... At ito ang wala ako maisulat kahit GUSTO ko sa kadahilanan na hindi nagtutugma ang panahon, sitwasyon at emosyon ko.

Sadyang nakalulungkot dahil ang pakiramdam ay tila ba nilalamon ako ng isang kumunoy na aking kinahulugan na hindi ko sinsadya. Sa tingin ko lalo akong lulubog kung pipilitin ko lang ang gusto ko, kung ganito ang aking kalagayan gagawin ko ang dapat gawin ng isang tao sa kumunoy... At ito ang maging kalmado at hindi na maglaban pa dahil lalo lang ako kakainin ng sarili kong pagpipilit.