“Kamusta ka na? Napagpasyahan ko lang na dalawin ka, baka kasi nalulungkot ka
na. Ang tagal mo na kasi sa lugar na ‘yan at ni minsan hindi pa kita nakitang umalis
diyan. Bata ka pa lang andiyan ka na at ngayong matanda ka na hindi ka pa rin umaalis
diyan.”
“Ayos lang naman ako dito. Salamat sa oras mo na nilaan upang dalawin ako,
kakaunti lang ang katulad niyo na may panahon para kamustahin ako. Gustuhin ko man
na umalis hindi ko magawa. Ang mga paa ko ay ‘di ko naman maaaring galawin at alisin
sa’king kinatatayuan.
“Oo nga pala pasensya na ata nawala sa isip ko ‘yon. Alam mo pasnsya na rin
kung hindi na ako masyadong nagtatagal dito sa iyo, kasi naman kailangan ko na rin
lumipat. Hindi na kinakaya ng katawan ko ang paligid mo, pero hindi mo naman
kasalanan ‘yon. Napansin ko nga na kahit ikaw hindi na sing sigla ng dati ang iyong
mukha. Bakas na ang pagod at hirap sa mga braso mo, katawan, at maging sa buhok mo.
Huwag ka magalala dadalawin pa rin naman kita at susbukan ko na ibalik ang sigla na
nawala sa’yo.“
“Humihingi ako ng dispensa. Salamat at hindi mo ako sinisisi sa nangyari dito.
Kahit ako rin naman gusto ko na talagang umalis hindi ko lang talaga maaaring gawin
dahil dito na talaga ako. Tama ka sa sinabi mo tungkol sa’king itsura at kalagayan.
Talagang nabawasan na ako ng sigla sa aking sistema. Hindi na nga ako masyadong
makapagbigay ng tuwa sa ibang tao. Kung dati napapakain ko ang mga gutom, ngayon
hindi na. Nalalagas na nga rin paunti-unti ang buhok ko. Minsan nga may mga dumaan
dito at napatingin sila, narinig ko na nagtanong yung isa sa kasama niya ng ganito, ‘siya
ba yung dati?’ talaga ngang halata na sa itsura ko ang hirap kong kalagayan.”
“Kung sa bagay kami rin nahihirapan na din. Ang hirap huminga, ang hirap
humanap ng pagkain, at ang hirap humanap ng matitirahan namin. Dahil sa mga usok at
mga basurang nagkalat. Lahat naaapaktuhan. Naiintindihan ko kung bakit ka
nagkakaganyan at kung saan mo nakuha ang mga bakas ng pagod at hirap.”
Hindi sila tao tulad natin, pero kung maiintindihan natin ang mga hayop at kung
makakapagsalita ang mga puno at halaman ganyan ang maaari nating marinig na usapan
nila. ‘wag na tayong magataka kasi naman talagang marumi na ang paligid. Hangin,
tubig, lupa, at maging kahit saan makakakita ka ng kalat. Kalat na nagdudulot ng mga
sakit at kung anu-anong sakuna. Sana magising na tayo sa katotohonan na kahit isang
maliit na basura lang ang itapon natin sa daanan e makakadulot ng malaking problema.
Isipin na lang natin, isang balat ng kendi ang nagtapon ay lima o sampung katao
sa isang lugar malaking pinsala na agad magagawa nun kapag umulan. Huwag na natin
hintayin pa na marinig pa nating magsalita ang ga puno at halaman at maging mga hayop.
Gawin natin ang dapat nating gawin. Alam na natin sa sarili natin kung ano iyon.
Tandaan natin madalas ang isang malaking bagay ay nagmumula sa isang katiting na
bagay.