Thursday, July 20, 2006

Buhay pa… salamat sa Diyos!!!

Naniniwala ba kayo na lahat tayo dito sa mundo ay mayroong E.S.P. o Extra Sensory Perception? Naniniwala din ba kayo na itong bagay na ito ay makakatulong ‘di lamang sa iba pati na din sa sarili natin sa mga pagkakataong kailangan natin ito. Ako ay isa sa mga taong nainiwala dahil ako ay isang taong napagkalooban ng ganitong bagay.

Bata pa lamang ako ay napansin ko na ang kakaibang bagay na ito, hanggang sa lumaki ako at umabot ng antas sa mataas na paaralan, itinago ko ang bagay na ito. Nang ako ay umapak sa kolehiyo, nakakilala ako ng mga kautulad ko, ngunit sila ay nailagay na nila sa ayos ang kanilang mga “kapangyarihan” kung maaari ko itong tawaging ganoon. Natulungan nila ako na tanggapin ang katotohanan at ano ba naman ang mawawala sa’kin kung iisipin ko na ito ay kasama sa buhay na ipinahiram ng Diyos sa’kin. Pero syempre, sabi nga sa Spiderman, “with great powers, comes great responsibilities.”

Ginawa ko ang lahat upang matutunan ko ang mga kaya kong gawin at kayang itulong sa’kin ng mga “bantay” ko. nagsiyasat ako tungkol sa kung anong uri ang mayroon ako at nagkaroon din ako ng ilang karanasan. Hindi ko lubusang akalain na matutulungan ako ng kakaibang regalo mula sa banal na Poon. At ito ang kwento kung bakit at paano…

…Kailan lang naman ito nangyari. Lahat ay nangyari noong Martes, ika- 18 ng hulyo, bandang alas-tres y media hanggang alas- kwatro pasado ng hapon. Sisimulan ko mula noong na sa loob ako ng klase ko nang biglaan akong nagkaroon ng isang tinatawag na “déjà vu”, at doon pa lamang ay alam ko na na may mangyayaring kakaiba. Lumabas na ako ng aming unibersidad. Habang naglalakad ako papuntang sakayan ng jeep ay naramdaman ko na may mga sumusunod sa akin. Kaya nilingon ko at minatyagan ang aking paligid, maliban sa mga kasabay kong mga sibilyan ay may tatlong mga lalaking mukhang papatay ang nasa likuran ko na may tamang distansya lamang para makabwelo. Sa kabilang banda ng daan ay may apat pa na tila kasama din ng tatlo. Tumuloy ako sa aking paglalakad, at biglaang may sumitsit sa akin at sinabing, “hoy ikaw! Halika dito.” Ako ay nagtaka at lumingon sa aking likuran upang siguraduhin kung ako o hindi. At ako nga! Ako nga ang kanyang tinatawag, nagduda ako na baka pakana lamang ito ng mga masasamang loob, pero biglaan kong naramdaman ang tinatawag nating “intuition” at narinig ang boses ng aking mga “bantay” na naguudyok sa akin na sige lang sama lang. Nilapitan ko ang manong at sinabi kong, “kamusta na po?” sumagot siya ng, “ayos naman, grabe ang inilaki mo. Kamusta na ang daddy mo?” mga ganyang linya. Mga linyang sasabihin ng isang kakilala mo na matagal ka ng hindi naikita, pero hindi ko talaga siya makilala at tinanong ko ang kanyang pangalan, sabi niya ang pangalan niya ay Ramon.

Hanggang sa niyaya niya ako na kunin ang isang bagay sa bahay niya at syempre upang magawa ito kailangan naming sumakay ng pedicab, sumama ba ako o hindi? Mali kayo! Sumama ako, tanga ba? Hindi, nagduda ako pero andoon pa rin ang aking pakiramdam na ayos lang ang pagsama ko. umikot kami hanggang sa kibilang dako ng Recto. Sa loob ng pedicab kami ay naguusap na tila ba talagag magkakilala pero binibilog niya laman ang aking ulo at ako naman ay nakiki- “ride-on” lamang sa kanyang mga pinagsasabi hanggang sa huminto na kami nang nasabi kong, “akala o nga po isa kayo sa mga g**o dito, susuntukin ko na sana kayo sabay takbo.” Sumagot siya ng, “ah ganon ba? Ganyan ka ba magpasalamat sa taong nagligtas ng buhay mo? Kung sinuntok mo ako ay namatay ka na at kung hindi kita nadala dito napagtripan ka na nila.” at nang narinig ko ito lahat ng aking kutob at nabasa sa kulay ng kanyang aura ay tumama at ang mga duda ko ay nagkamali. “Prangka ako kung sa prangka, hindi talaga tayo magkakilala, napansin mo naman ata ang mga sumusunod sa’yo kanina. Ako ay isang senior ng frat dito, ito ang tattoo ko. nakulong ako noon dahil sa gulo. Nakursunadahan ka nila akala siguro nila intsik ka.” Sinabi niya ang mga ito habang may ngiti ngunit seryoso ang kanyang mood habang ipinakikita niya sa’kin ang kanyang tattoong agila. Napailing na lamang ako at sinabing, “gano’n po ba? Maraming salamat po, ano po ba talaga ang pangalan niyo? “Ramon, sige na sumakay ka na kaagad. At ‘wag na ‘wag ka na ulit makikipag-usap sa hindi mo kakilala maliban na lamang kung ako.”

Umalis ako nang walang panlalamig sa katawan o ni kaba man lang (oo maniwala man kayo o sa hindi), sa aking pagbibiyahe napaisip ako tungkol sa nangyari. Kung hindi ako nabiyayaan ng E.S.P ay hindi ko siguro nilapitan ang ibingay niyang tao upang tumulong sa akin na si mang Ramon. Dumiretso ako sa aking High School at pumunta sa chapel at nagpasalamat. Nagpasalamat sa kanyang ibinigay na tao at sixth sense, nagpasalamat na dahil pangapat na buhay ko na ito na ibinigay niya.

Ang mga naisip ko dahil sa nangyari: (1) “there is always a first time for everything”; (2) kung oras mo na oras mo na, kung hindi pa ay mabubuhay ka pa; (3) kailangan ko pang pangalagaan at ipagbuti ang isang sa aking mga kakayahan; (4) kapag may nangyaring hindi maganda ‘wag mataranta, datapwa’t ay nagrerelax kayo at iniintindi ang inyong duda at iba pang nararamdaman. At magtiwala sa Diyos at sa mga ibinigay Niya sa inyo.

Salamat sa pagbabasa nito… nawa’y makuha niyo ang moral lesson dito

Monday, July 10, 2006

Respeto Lamang.
(unedited)

Sa panahon ngayon marami ang hindi nagsusulat sa wikang Filipino lal na sa tagalog. Pero sa mga nagsusulat sa wikang aking binanggit, hindi naman nangangahulugang kaya lang sila nagsusulat sa tagalog ay sa dahilang nahihirapan silang magingles.

May nabalitaan ako na may isang tao sa internet na nanggamit ng "layout" at patiistilo ng pagsusulat ng kanyang kinuhanan. Hindi lamang iyon, naglakas pa ng lob na ieksplika kung bakit siya nagsusulat sa tagalog. Ayon sa kanya, "mahirap kasi mag english kaya tagalog ako magsulat." Hindi pa doon natapos, may isa pang siyangtnangkang ipaliwanag na hindi naman siya ang gumawa. May isang litrato ng pagong na may dalang saging. Hindi siya ang gumawa ngunit tinanong siya kung bakit mayroong saging ang pagong at kanyang sinagot, "kasi dahil sa kwento ng matsing at pagong kaya may saging siya."

Paumanhin kung nabulgar k ng kauti ang kanyang nagawa. Kilala mo ang iyong sarili at sana matuto ka na sa malaking pagkakamaling iyong nagawa. Sana irespeto mo ang mga manunulat at mga pintor pati na din ang mga tao na naghahayag ng kanilang saloobin sa paraan na ginagawa nila. Hindi lang nila ginagawa iyong dahil sa nahihirapan sila na gawin ang isa pang bagay.