Wednesday, February 07, 2007

Kamusta?




“Kamusta ka na? Napagpasyahan ko lang na dalawin ka, baka kasi nalulungkot ka

na. Ang tagal mo na kasi sa lugar na ‘yan at ni minsan hindi pa kita nakitang umalis

diyan. Bata ka pa lang andiyan ka na at ngayong matanda ka na hindi ka pa rin umaalis

diyan.”

“Ayos lang naman ako dito. Salamat sa oras mo na nilaan upang dalawin ako,

kakaunti lang ang katulad niyo na may panahon para kamustahin ako. Gustuhin ko man

na umalis hindi ko magawa. Ang mga paa ko ay ‘di ko naman maaaring galawin at alisin

sa’king kinatatayuan.

“Oo nga pala pasensya na ata nawala sa isip ko ‘yon. Alam mo pasnsya na rin

kung hindi na ako masyadong nagtatagal dito sa iyo, kasi naman kailangan ko na rin

lumipat. Hindi na kinakaya ng katawan ko ang paligid mo, pero hindi mo naman

kasalanan ‘yon. Napansin ko nga na kahit ikaw hindi na sing sigla ng dati ang iyong

mukha. Bakas na ang pagod at hirap sa mga braso mo, katawan, at maging sa buhok mo.

Huwag ka magalala dadalawin pa rin naman kita at susbukan ko na ibalik ang sigla na

nawala sa’yo.“


“Humihingi ako ng dispensa. Salamat at hindi mo ako sinisisi sa nangyari dito.

Kahit ako rin naman gusto ko na talagang umalis hindi ko lang talaga maaaring gawin

dahil dito na talaga ako. Tama ka sa sinabi mo tungkol sa’king itsura at kalagayan.

Talagang nabawasan na ako ng sigla sa aking sistema. Hindi na nga ako masyadong

makapagbigay ng tuwa sa ibang tao. Kung dati napapakain ko ang mga gutom, ngayon

hindi na. Nalalagas na nga rin paunti-unti ang buhok ko. Minsan nga may mga dumaan

dito at napatingin sila, narinig ko na nagtanong yung isa sa kasama niya ng ganito, ‘siya

ba yung dati?’ talaga ngang halata na sa itsura ko ang hirap kong kalagayan.”
“Kung sa bagay kami rin nahihirapan na din. Ang hirap huminga, ang hirap

humanap ng pagkain, at ang hirap humanap ng matitirahan namin. Dahil sa mga usok at

mga basurang nagkalat. Lahat naaapaktuhan. Naiintindihan ko kung bakit ka

nagkakaganyan at kung saan mo nakuha ang mga bakas ng pagod at hirap.”

Hindi sila tao tulad natin, pero kung maiintindihan natin ang mga hayop at kung

makakapagsalita ang mga puno at halaman ganyan ang maaari nating marinig na usapan

nila. ‘wag na tayong magataka kasi naman talagang marumi na ang paligid. Hangin,

tubig, lupa, at maging kahit saan makakakita ka ng kalat. Kalat na nagdudulot ng mga

sakit at kung anu-anong sakuna. Sana magising na tayo sa katotohonan na kahit isang

maliit na basura lang ang itapon natin sa daanan e makakadulot ng malaking problema.

Isipin na lang natin, isang balat ng kendi ang nagtapon ay lima o sampung katao

sa isang lugar malaking pinsala na agad magagawa nun kapag umulan. Huwag na natin

hintayin pa na marinig pa nating magsalita ang ga puno at halaman at maging mga hayop.

Gawin natin ang dapat nating gawin. Alam na natin sa sarili natin kung ano iyon.

Tandaan natin madalas ang isang malaking bagay ay nagmumula sa isang katiting na

bagay.

Sino Kaya ang mga Ito?


“Salamat naman nakauwi na kayo. Kamusta naman ang lakad niyo ni boss? Masaya ba? Balita ko mainit sa labas at marami daw dala-dala si boss.”

“Ah… okay naman si boss. Tama ka diyan, masaya ang lakad naming, yun nga lang talagang madaming mabibigat na bagahe si boss. At yung tungkol sa init? hindi lang mainit, ubod ng init! Biruin mo na sa loob na kami ng kotse ay nakakapaso pa rin ang sinag ng araw.”

“Buti ka pa nakakasama kay boss sa mga lakad niya, Samantalang ako hindi na, e dati-rati’y ako palagi ang bitbit niya. Pano naman kasi ang laki-laki ko upang ilagay sa bag ang hasel ko pa dalin.”

“Narinig ko nga na pinag-uusapan ‘yan nila boss at ng mga kasama niya. Tinanong kasi siya kung bakit jaket ang madalas niyang suot e napakainit naman daw. Maaari naman daw siyang magdala ng payong.”

“Teka, ‘yan ba yung mga kasamahan niya sa trabaho? Ang hilig magtanong ng mga ‘yan sa mga pinag-gagagawa ni boss. Naalala ko nga yung isang mataba na kalbuhin doon na kulang na lang ay lagyan mo ng istraw sa bibig. Grabe kasi kung sumipsip at dumikit kay boss para bang lintang hindi mawalay sa binti ng biktima niya.”

“Oo sila nga yun. Yung matabang yun ba? Ay naku hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang ugali niya kay boss. Pero mayroon din magandang babae doon na kapareho ni boss, palaging nakajeket kahit tirik ang araw. Nakakatwang nakakatuwa nga e.”

“Talaga? Ang galing naman. E teka mabalik tayo sa napagusapan nila. Ano ang sinabi ni boss tungkol sa pagdadala at pag-iwan sa mga tulad natin?”

“Yung tungkol diyan, ang sabi lang ni boss sa mga kasama niya… pero huwag naman sana sumama ang loob mo sa amin ni boss ipangako mo muna.”

“Bakit naman sasama ang loob ko e tanggap ko na naman na paiba-iba talaga ang mga pangyayari sa paligid natin ni boss kaya’t iba-iba din ang mga panga-ngailangan niya. Promise hindi sasama ang loob ko.”

“O sige salamat naman kung gano’n. Sabi kasi ni boss bakit pa daw siya magdadala ng payong hindi naman daw sa ayaw niya, pero sa dami ng mga bitbit niya hasel pa kung may dala-dala siyang payong. At kung foldable naman daw saying sa space ng bag. Kaya okay lang daw na makarinig siya ng kaunting pang-aasar ng tao tungkol sa pagsuot niya ng tulad ko. E ano ba naman daw yung makarinig ka ng pang-aasar ng iba sa masunugan ka ng balat di ba.”

“Kung sa bagay, jaket naman talaga ang pwedeng pamalit sa mga tulad naming payong. May punto naman si boss sa hindi paggamit sa’kin. Tutal, kapag suot ka niya ikaw ang nakakakuha ng init ng araw imbes na diretso sa balat niya. At kung sakaling umulan bigla isasara lang niya ang zipper mo at nabalutan mo na siya upang hindi mabasaan ng katawan.”

“Tama. Teka naririnig mo ba ang naririnig ko? Umuulan at may bisita ata si boss. Mukang pareho tayong magagamit ngayon ah.”

“Oo nga, sige ikaw na bahala kay boss at ako sa mga bisita niya. Kita na lang tayo mamaya ayan na si boss.”

“Sige mamaya.”