Wednesday, February 07, 2007

Sino Kaya ang mga Ito?


“Salamat naman nakauwi na kayo. Kamusta naman ang lakad niyo ni boss? Masaya ba? Balita ko mainit sa labas at marami daw dala-dala si boss.”

“Ah… okay naman si boss. Tama ka diyan, masaya ang lakad naming, yun nga lang talagang madaming mabibigat na bagahe si boss. At yung tungkol sa init? hindi lang mainit, ubod ng init! Biruin mo na sa loob na kami ng kotse ay nakakapaso pa rin ang sinag ng araw.”

“Buti ka pa nakakasama kay boss sa mga lakad niya, Samantalang ako hindi na, e dati-rati’y ako palagi ang bitbit niya. Pano naman kasi ang laki-laki ko upang ilagay sa bag ang hasel ko pa dalin.”

“Narinig ko nga na pinag-uusapan ‘yan nila boss at ng mga kasama niya. Tinanong kasi siya kung bakit jaket ang madalas niyang suot e napakainit naman daw. Maaari naman daw siyang magdala ng payong.”

“Teka, ‘yan ba yung mga kasamahan niya sa trabaho? Ang hilig magtanong ng mga ‘yan sa mga pinag-gagagawa ni boss. Naalala ko nga yung isang mataba na kalbuhin doon na kulang na lang ay lagyan mo ng istraw sa bibig. Grabe kasi kung sumipsip at dumikit kay boss para bang lintang hindi mawalay sa binti ng biktima niya.”

“Oo sila nga yun. Yung matabang yun ba? Ay naku hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang ugali niya kay boss. Pero mayroon din magandang babae doon na kapareho ni boss, palaging nakajeket kahit tirik ang araw. Nakakatwang nakakatuwa nga e.”

“Talaga? Ang galing naman. E teka mabalik tayo sa napagusapan nila. Ano ang sinabi ni boss tungkol sa pagdadala at pag-iwan sa mga tulad natin?”

“Yung tungkol diyan, ang sabi lang ni boss sa mga kasama niya… pero huwag naman sana sumama ang loob mo sa amin ni boss ipangako mo muna.”

“Bakit naman sasama ang loob ko e tanggap ko na naman na paiba-iba talaga ang mga pangyayari sa paligid natin ni boss kaya’t iba-iba din ang mga panga-ngailangan niya. Promise hindi sasama ang loob ko.”

“O sige salamat naman kung gano’n. Sabi kasi ni boss bakit pa daw siya magdadala ng payong hindi naman daw sa ayaw niya, pero sa dami ng mga bitbit niya hasel pa kung may dala-dala siyang payong. At kung foldable naman daw saying sa space ng bag. Kaya okay lang daw na makarinig siya ng kaunting pang-aasar ng tao tungkol sa pagsuot niya ng tulad ko. E ano ba naman daw yung makarinig ka ng pang-aasar ng iba sa masunugan ka ng balat di ba.”

“Kung sa bagay, jaket naman talaga ang pwedeng pamalit sa mga tulad naming payong. May punto naman si boss sa hindi paggamit sa’kin. Tutal, kapag suot ka niya ikaw ang nakakakuha ng init ng araw imbes na diretso sa balat niya. At kung sakaling umulan bigla isasara lang niya ang zipper mo at nabalutan mo na siya upang hindi mabasaan ng katawan.”

“Tama. Teka naririnig mo ba ang naririnig ko? Umuulan at may bisita ata si boss. Mukang pareho tayong magagamit ngayon ah.”

“Oo nga, sige ikaw na bahala kay boss at ako sa mga bisita niya. Kita na lang tayo mamaya ayan na si boss.”

“Sige mamaya.”

No comments: