Sunday, January 01, 2006

Dalawang magkaibigan na muling nagkita:

Xander: Art! kamusta na? Pare happy new year...

Art: Happy new year.

Xander: bakit ka matamlay pare? Bagong taon ganyan ka. Dapat masaya mo sinasalubong ang bagong taon.

Art: Bakit pa?

Xander: Huh? Siyempre, 'di ba paniniwala na natin 'yun. Kapag naging malungkot ka sa bagong taon magiging malungkot ang buong taon mo.

Art: Eh kahit naman maging masaya ako ngayon magiging malungkot pa din ang buong taon ko.

Xander: Bakit mo naman nasabi 'yan?

Art: Alam mo habang nanonood ako ng magagandang paputok sa kalangitan, napaisip ako...

Xander: Tungkol saan?

Art: Napaisip lang ako. Bakit kahit anong saya natin pag bagong taon wala din say-say sa kalagitnaan nito.

Xander: Art... Hindi naman sa gaun. Nagiging masaya tayo kapag bagong taon dahil sa pag-asa natin na ang Kabuuan nito ay magiging masaya.

Art: Pero hindi naman lahat ng inaasahan natin ay maaaring mangyari. parang sa mga kapatid ko. Ilang taon na ang dumaan kampihan lang sila ng kampihan. ang tatanda na natin pero wala pa rin silang kinatandaan.

Xander: Kung ganyan ang tingin mo sa kanila eh 'di 'wag mo na lang silang intindihin

Art: Hindi mo maaalis sa akin yun dahil kahit papaano kaibigan ko din sila. Tuwing Pasko magpaplastikan at pag bagong taon magiging masaya umaaasang magbabago ang isa't-isa pero ano wala din.

Xander: Art...

Art: At ano ako sa kanila? Isang tagapanood lang sa pagkakampihan nila! Wala silang pinagkaiba sa mga pulitiko na kurakot! Kung sino ang may pera sila ang puwedeng masunbod at sila ang tama.

Xander: Art, kapatid mo pa din sila...

Art: Kaya nga napapaisip ako, ilang bagong taon pa ba ang dadaan, ilang magagandang paputok pa ba sa langit ang papanoorin ko bago sila maayos? Bago maayos ang pamilya namin. Kaunting taon na lang ang itatagal ng mom at dad namin pero hindi pa din sila magkaayos.

Xander: Art siguro ang masasabi ko lang sa'yo, sa bawat kalungkutan may kasiyahan. Hindi ka matututo ngumiti kung hindi mo natutunan ang pagluha. At isipin mo na hindi ka nag-iisa.

Art: Ewan ko pare.

Xander: Art...

No comments: