Tuesday, April 03, 2007

Ambo and Boyet: "Genic": Part 2

Boyet: Uy... Ano ulit yung nabitin nating usapan tungkol sa mga panibagong Genic?

Ambo: Ah oo nga. Naalala ko, yung gilidgenic hati sa dalawa yun. Ang mga kanagenic at mga kaligenic.

Boyet: As in ano?

Ambo: kanagenic maganda ang kanan at kaligenic...

Boyet: ...maganda lang ang kaliwang side.

Ambo: excatly! Tapos meron nung mga anglogenic, buhogenic, pormagenic, hipon, at mga lollipop.

Boyet: Huh?? Ano yung mga yun?

Ambo: Anglogenic ay mga taong mganda lang sa isang angle tapos pag naurong ka ng kaunti saliwa na ang mukha. sayang.

Boyet: Ang buhogenic, dinala lang ng buhok, tama ba?

Ambo: May tama ka! (smiles)

Boyet: At ang pormagenic naman ay dinala lang ng porma... alam ko ung hipon e, tanggal ulo kain katawan. Pero ano naman yung lollipop?

Ambo: Ah... ang lollipop kabaliktaran ng hipon. Tanggal katawan kain ulo.

Boyet: Hayop! Feeling ko madami pa 'yan e. Pero save mo na lang for our future readers.

Ambo: Wow ha at sigurado ka na maraming nagbabasa ng tsipangga nating series??

Boyet: Bakit? Masama ba ang mangarap? Dati nga isa lamang tayong kathang isip...

Ambo: Naks naman kathang isip! Matalalinghaga 'yan. (laughs)

Boyet: Tse! 'Wag ka ngang kontra pelo. Moment ko 'to.

Ambo: Tangek, kung moment mo 'to e 'di dapat ang title ng series na 'to ay Ambo the series.

Boyet: Oo nga no... hmmm...

Ambo: Guys next time na ko na po itutuloy ang daldalan namin ang pag-babasa niyo. Denideliryo na po ang aking kasama.

Boyet: Matalinghaga din 'yun ah...

Ambo: END

No comments: