Wednesday, March 21, 2007

Boyet and Ambo: Ang Pagdadrama ni Boyet

Ambo: Boyet, why ka naman sad?

Boyet: Wala.

Ambo: Eto naman kunwari pa. Ano nga?

Boyet: Wala naman. Napapaisip lang.

Ambo: Mahirap pala pag gumagana isip mo.

Boyet: Bakit naman?

Ambo: E lumulungkot ka.

Boyet: Ano ba? Palagi mo na lang akong inaasar e.

Ambo: E why ka nga sad?

Boyet: May question ako sa'yo.

Ambo: Peste ka naman. Ako naunang mag-ask e. Sige go.

Boyet: Pano ba talaga dapat ang magkaibigan?

Ambo: Hmm... Mahirap 'yan a. Ano nga ba dapat?

Boyet: Kasi 'di ko alam kung mali ba na magexpect ako na from time to time ay nagpaparamdam man lang sila. O ayos na ba yung kahit matagal kaming 'di magusap, kapag nagkita kami ulit ay friends pa rin kami.

Ambo: Sige I'll ask you naman. Ano ba dapat ang true friends?

Boyet: 'Di ba dapat ang mga magkakaibigan nagpaparamdam kahit minsan? Okay lang naman na hindi sila mauna, pero kapag nauna ako mangamusta sana naman may nakukuha akong sagot. Nakakaworry kaya kapag wala akong balita.

Ambo: Bakit mo naman nasabi?

Boyet: Kasi hindi ko alam kung may nagawa ba akong mali sa kanila or kung buhay pa ba sila.

Ambo: So, para sa'yo, ang true friends ay dapat naguupdate sa friends nila?

Boyet: Yup. Kasi malay ko ba kung kailangan ko siya tulungan. Kasi 'di bilang true friend nila ayoko naman na through happiness lang ako kasama, pag sad na sila wala ako.

Ambo: Wow Boyet akala ko sa mga movies lang at pocket books 'yan.

Boyet: Tanga ka ba? Tayo nga mismo binabasa lang e. Pero pustahan tayo ganyan din talaga sa reality.

Ambo: Well... Sa bagay tama ka. This time hanga ako sa'yo kasi kahit sad ka, strong ka pa rin.

Boyet: Thanks.

Ambo: :)

No comments: