Thursday, March 15, 2007

Ambo and Boyet: boyet's turn


Boyet: Hoy bruha! Last time ikaw ang may narealize ngayon ako naman.

Ambo: O sige, ano naman yun?

Boyet: Diba ang alam lang natin dati na mga –genic ay mga photogenic na maganda lang sa picture, telegenic na maganda lang sa T.V., talikodgenic na maganda lang pag nakatalikod, at layogenic na maganda lang pag malayo.

Ambo: Oo naman alam ko yun. Bakit may bago na ba?

Boyet: Syemperds naman meron na.

Ambo: Go tell me na the details.

Boyet: Meron na ring gilidgenic na maganda lang pag naka-side view pag harap never mind na. Meron din namang kalahatigenic maganda lang ay half ng mukha yung kabila echapwera na. pagkatapos meron yung katulad mo, bayanigenic.

Ambo: Ano naman yun? Tunog gamot naman ang jonget.

Boyet: Yun yung ang side view kamukha ni Jose Rizal, sa front view, Emilio Aguinaldo, at pag naka three fourths na view, kamukha ni Manuel Quezon.

Ambo: E di maganda. Napaka noble pala ng itsura ko.

Boyet: Hindi. Dahil kung papansinin mo, lahat ng sinabing bayani ay nasa mga kilalala at gamit na mga PERA so in short pag bayanigenic ka, mukhang pera ka.

Ambo: Kainis ka! Bruha! Meron pa ba?

Boyet: Marami pa pero sa susunod na siguro kasi nakikita ko sa mukha mo na gusto mo na ako sabunutan e kaya tatakbo na ako! Hehe… next time na lang.

Ambo: Buti alam mo! Halika dito bruha ka!

No comments: