Thursday, March 15, 2007

ambo and boyet: the series


Ambo: Pare napaisip lang ako.

Boyet: Nagiisip ka pala!

Ambo: Oo naman kahit kaunti no.

Boyet: Oh e ano naman ang naisip mo ngayon?

Ambo: Naisip ko na totoo pala yung kasabihang “Life is just a game.”

Boyet: Bakit mo naman nasabi? Malalim ‘yan, panindigan mo!

Ambo: Oo alam ko. E kasi isipin mo lang ha, sa LRT araw-araw kang sasakay at makikipag agawan ng upuan parang trip to Jerusalem. Tapos ‘yung mga walang lisensya o kaya coding nagtatago sa mga pulis, kaya parang cops and robbers.

Boyet: Aba, oo nga ano! Yeah! Sige ano pa?

Ambo: O eto pa, pag may nagnanakaw o nanghahablot ng gamit hahabulin ng pulis, pagnakita mo nagmimistulang marathon race. Yung may mga utang na hindi marunong magbayad, hide ang seek sila ng pinagkakautangan nila.

Boyet: Good point ‘yan ah. Madami ka din palang naiisip na ganyan. Ngayon ko lang nalaman.

Ambo: E palagi mo naman kasi akong inaapi. E tayo nga mismo isang halimbawa na tayo ng araw-araw na parlor game e.

Boyet: At bakit naman?

Ambo: E kasi sa mga katulad nating ubod ng daldal e kahit kumakain nagdadaldalan pa rin.

Boyet: Ah oo nga. Kahit may laman ang bibig gagamitin ang larong charade para lang magkaintindihan.

Ambo: O diba pati ikaw narealize mo!

Boyet: Galing mo tol! Tama! Kahit pala kapareho mo ang stegosaurus ang utak mo, ay lamang ng isang inch ang sa’yo. Hehehe

Ambo: Day naman! Nagsalita ang Einstein na malaki pa ang panot kaysa utak.

Boyet: Sasabunutan kita diyan e. tara na nga!

No comments: